Sunday, January 29, 2017

One Step Closer to FOREVER





Ang sarap mangarap. Mangarap ng mataas. Mangarap ng gising. Pero hindi basta nangangarap ka lang. yung pnagarap na tutuparin mo, at hindi mananatiling pangarap lang. 
Sa bawat umagang dumarating sa buhay natin, may bagong pag-asang babalot sa bawat pangarap natin. Kagaya mo, ako ay nangangarap din. Nangangarap ng magandang buhay para sa pamilya. Ang makapagtapos ng pag - aaral at makahanap ng maayos na trabaho. 
Isang hakbang patungo sa tinatawag na FOREVER. Hindi sa pag-ibig, kundi sa pangarap kong tinatawag kong FOREVER. Isang taon na lang 4th year na ko. Ibig sabihin, isang taon na lang makakapag take na ko ng LET, at matatawag na Licensed Professional Teacher. Yehey! 
Pero bago ang lahat ng iyon, OJT muna. Sa wakas, ang pangarap kong magkaroon ng pasaporte ay matutupad na.

Ang pangarap kong makasakay ng eroplano ay matutupad na rin sa wakas. Akalain niyo yun. Akala ko hindi na to mangyayari eh. Pero kapag si God talaga ang gumalaw para sayo, walang imposible eh. Minsan akala natin wala ng pag-asa na matupad ang mga pangarap, pero sa mga hindi inaasahang pagkakataon, ibinibigay sa atin ng di natin namamalayan. 
Isa ang South Korea sa mga bansang pangarap kong marating. Pero sabi ni Lord, "bago ka makarating doon, sa Vietnam ka muna." Oh diba? Hanep talaga. Da'best talaga si Lord. Hindi ko inaasahang sa Vietnam pa magaganap ang OJT ko.
Sa picture pa lang maganda na. Alam kong di ako pababayaan ni Lord habang nilalakad ko pa lahat ng kailangan para sa Vietnam.
Passport na lang talaga eh, I'm ONE STEP CLOSER TO FOREVER.














 > ang mga larawang nasa itaas ay kuha lamang mula sa google. 




No comments:

Post a Comment